(Source: h-a-l-l-e-l-u-j-a-h, via uglys0ul)
In another life I would be your girl…
—jaki.medina.tumblr.com
Hindi ko po kilala si Bret (Bred/Parang tinapay lang) :)))) Nag panic lang ako kagabi dahil sa kanya. Kasi sabi niya last day for the planner. Mejj dinapuan ako ng stress at depression.
Pag gising ko ng umaga. Kinuha ko agad yung card ko, binilang ang mga stickers at “OH MY GOOODDDD! 13 STICKERS!!” May mini heart attack effect. *Crossfinger* “SANA SANA SANA SANAAAAA MAMAYA MAKUHA KO YUNG AKIN.”
At nagpunta nga akong Robinsins Galleria Starbucks Veranda para diyan. Effort dibaaa? =)) At nakita ko nga na “HAPPY 14TH ANNIVERSARY” Chever chever. Mula pa lang ako sa labas non tinanaw ko na. Naimagine mo giraffe face ko kanina? =)) Parang stalker na ewan sa loob mejj nagpanic nga ata yung guard saken. At ayon nga, pumasok ako sa loob at “Aha! *Look closer, look closer, crossfinger*”
“Claim your Starbucks 2012 Planner for only 14 sticker” At may maliit na deadline sa ilalim…..
…
…
“Dec 13-15, 2011”
OH MY GULAAAAYYY!! Last day today!
Dali dali akong naghysterical sa harap nung kuyang nasa counter.
“COFFEE JELLY Grande!♥” Alam mo yung may kilig na kasama, kinikilig kilig lang.
“I think 13 sticker na po yung saken.”
Kuyang nasa counter: “Maam, sakto po today’s the deadline pwede niyong maclaim ngayon. Pag tomorrow babalik na po sa normal counting.”
“SIGE KUYAAAA! YESS YESS!”
Kuyang nasa counter: “Claim niyo na po?”
Sandali akong napatigil at huminga ng malalim..
“Yes. :) “
Sa isip isip ko, Kuya hindi ba halatang excited ako? Kulang na lang eh mag cartwheel ako dito sa pila e. Tapos tatanungin mo pa. ANG HYPER KO KAYA KANINA PA!
At ayan na nga, nakuha ko na yung Planner ko (Bamboo). :”>
Kung hindi ko nakita yung post kagabi ni Kuya Bret (Bred/Brent/Bert) dito hindi ako magpapanic at maiinform. Buti sakto sa deadline. Salamat :)
Sorry walang pics. Next time na. Naiwan ko sa Memory card ng friend ko. :))))